BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, December 30, 2010

Alaala ng 2010. Hello 2011! :)

Alright! Ilang oras na lang at 2011 na! Ano nga ba ang mga pangyayari sa buhay ko nitong nakalipas na 2010? Matignan nga.


January

Actually, wala naman ata gaano nangyari nung January. Normal lang. Turo-turo-turo. Ay, anime conventions pa pala. Hehe! Ayos! Normal lang.


February

Ayan, BALENTAYMS! So what? Wala akong alam sa ganyan! Hehehe! Ano nga bang nangyari nung February? Wala pa rin naman ata. Regular lang naman. Lipat tayo ng buwan!


March

Naku! Eto maraming nangyari! Hehehe! Simulan natin sa PAASCU accreditation. Grabe yun. Ngarag kaming lahat sa school. Naging demo fest. Naglabasan lahat ng makukulay na papel, naglalakihang visual aids, and sandamakmak na groupings! Ewan ko, pati ata mga students eh nanibago sa nangyari. Tapos ekstaktong 4 pm eh mistulang ghost town na ang school. Pero that was great! Ang saya nun!

Dito rin ako naimbitahan ng Singles for Christ para sumali sa kanilang Christian Life Program. Di pa ako naka-attend sa unang 2 meeting nun. Buti na lang at puwede pa. Ayan, nakasama ako sa CLP at tatlong buwan din ang tinagal nun. :)

Graduation din ng mga 4th year. Although ilan lang ang ka-close ko dun (as in lang. Di pa nga close eh) eh natuwa pa din ako para sa kanila. Panibagong challenges! Whew! Ayan, kamusta na kaya ang pagiging college student nila? hehehe!

TAGCOM...sayang di ako nakapunta. Anniversary ko pa naman sa pagko-cosplay yun. Hehe! Pero oks lang din. Masaya na rin. So ayan ang March.


April

April eh medyo kakaiba. Hehe! Actually wala rin naman masyadong nangyari eh bukod sa nagtrabaho kami ni sir Glori sa library. Madami din akong natutunan gaya ng importansya ng ISBN sa likod ng libro. Hahaha! Bukod dun wala na. Hehe!


OZINE FEST...ayan. Nag-cosplay kami! Sino nga ba ako dito? Si Feitan ata ng Hunter X Hunter (may iba pa ba?) Hehehe! Ayon, ang saya din. :) Super duper! May mga nakilala din akong bagong kaibigan pero di ko na matandaan kung sino-sino sa kanila. Hehe! After Ozine Fest eh medyo tinamad na akong umattend ng mga convention kaya paminsan-minsan na langa ko uma-attend. Hehehe!


May

Kung tama ang memory ko eh ito yung buwan na pumunta kami sa Quezon Province. Grabe din yun! Ang saya dun! hehe! Tatlong araw na malapit sa nature. Sarap mag-meditate. Hehehe! Well, medyo nakakagulat din ang buwan na ito kasi nalaman ko na may advisory class na ako. Ewan ko ba pero excited ako nun. Naging moderator din pala ako ng Band Club! Kagulat nga eh. Pero salamat sa mga previous mod ng band club sa suporta. :)


Nangyari din pala sa buwan na 'to yung Get Together ng BATCH 2000 ng NSDAPS! Hahaha! Unforgettable yun! Ang saya! Bigla kong nakausap yung mga tao na hindi ko nakakausap dati! Hehe! Sana maulit yun next year! hohoho!


June

Pasukan! haha! Daming challeneges. Nag-iba ang module. Medyo mahirap mag-adjust. Pero masaya ang klase ko. Itong buwan na ito eh wala pa ako masyadong problema sa klase ko. Mababait pa sila. Hehehe! Ay! Oo nga pala. Nitong buwan na ito eh naging ganap na Singles for Christ member na ako! Yehey!


July

Hmm, ano bang nangyari noong July bukod sa birthday ng pinakamamahal kong ina? Ganun pa rin naman. Turo, laro, internet. Nothing special happened. Hehe! Or hindi ko lang talaga matandaan?


August

Ang aking birthday month! Hehe! Ang naaalala ko lang dito eh nung binati ako ng advisory class ko. Nakasulat pa sa blackboard na Happy Birthday. Di ako showy kaya parang wala lang sa akin. Pero after nun, grabe, tuwang-tuwa ako nun! Na-touch ako ng sobra. Kahit na magugulo sila eh nakaka-alala pa rin sila. Kahit na parang kahit wala akong paki sa kanila eh mababait din pala sila. Pero may paki ako sa kanila ha. Di lang talaga ako showy.


September

Regular month lang. Hehe! Bukod sa madaming araw na wala kaming pasok. Hahaha! May parada rin palang naganap kasi kapistahan ng Aranzazu. Grabe! Ang init nun! Hehehe! Pero ok naman yung experience.


October

SUBIC. SEMESTRAL BREAK. Okay, so school lang yata namin ang nagkaroon ng sembreak. Super thank you talaga ako kay Lord nun. Sa wakas, pahinga. hehe! Saya ng sembreak na yun. Na-miss ko din ang Subic. Isang taon bago ulit ako napadpad dun. hehehe! Dito rin bumalik ang hilig ko sa magic. Salamat kay sir Glori ulit!


BEST OF ANIME and COSPLAYMANIA!!! Nag-cosplay din ako nun. Halos magkasunod na linggo sa MOA. Nakakapagod ang biyahe pero ang saya! :)


November

Hmmm, November? Wala akong matandaan na special na nangyari nung buwan na yun. Hahaha! Kaya ayon, November lang. Ay, napasali pala ako sa Fruitcake pero di rin ako tumagal eh. Pagdating ng December eh nag-quit na ako. Hehe! Di ko kasi kinaya. Pero happy ako kasi nakilala ko yung mga alumni ng NSDAPS which is school ko rin nung elementary ako. :)


December

ENGLISH MONTH, INTRAMS, BAKASYON, FRUITCAKE showing, at PASKO!!! O yeah! Grabe! Daming nangyari ng December. Ito ang buwan na may pinakamaraming nangyari sa akin. Napadpad din ako ng ospital ng buwan na to. Highblood. Grabe yun! Ayoko na maranasan yun ulit! Nakakatakot.

Siyempre, napaka-special ng month na 'to sa akin kasi nagkaroon ako ng sinisinta, girlfriend, jowaers o kung ano pa man ang tawag niyo dun. hehe! Sa akin, she's my only one. Kaya special mention siya dito! haha! Sa mahal kong si Kristine Charity R. Dichoso (kumpleto?) haha! Ayun, thank you for being there. I love you! :) hehe! Sweet ba? Di naman. Konti lang. Hehe!


Sa Fruitcake family, mga fruitcakeans! Salamat sa inyo at kahit sa maikling panahon eh nagkasama-tayo. Nakakatuwa kayo panoorin sa practice. Napaka-dedicated ninyo. Congrats nga pala at maganda ang tinakbo ng palabas although siyempre may mga problems din talaga. Pero wala yun dahil nagtagumpay kayo! :) NEXT YEAR! FRUITCAKE ulit! Panonoorin ko talaga yun! :D

Nag-party din pala ang slurp dabarkads dito sa bahay namin! Yehey! Saya nun kahit wala naman masyadong nangyari. Kuwentuhan lang. Sakto birthday ni Sir Peds. Dito na sinelebrate ng grupo. :)


CHRISTMAS TOYCON..well, wala masyadong nangyari. Medyo na-bored nga ako eh. Buti na lang at nakapagpagawa kami ni Emman ng t-shirt. Sa kanya eh Celestial Being, ako naman eh Kamen Rider Decade. Ayos! Solb na! Siyempre nadiskubre din namin ang bago naming kakainan...YOSHINOYA!!!! Hahaha! The best! Reunion din ng namimiss ko nang cosgroup namin na SKM! hehe!


PASKO - Nasa Bulacan kami...at nagkasakit ako. T___T Pero ok lang. Na-enjoy ko lang ng konti. Bakit pa kasi pasko pa nag-manifest yung sakit na yun. hehe! Pero natuwa din ako sa experience ko sa LASING MAGIC! hehehe! Iba talaga mag-perform sa lasing! MASAYA! Ate Nherie! Pasabi kay Mak i-upload yun! hehehe! Sa account mo na lang! Hehehe!



Ayan, marami akong di pa nailagay na pangyayari kasi nalimutan ko na kung anong mga buwan ang nangyari. hehe! Basta ganyan.


Ayan ang 2010 ko. Kahit na sa taon na ito eh ang dami kong nararamdaman sa katawan ko na kung ano-ano (feeling ko ang tanda ko na dahil dun) eh nung nagpakonsulta ako, wala naman daw problema sa katawan ko. Sguro sa isip ko lang yun at kakaisip ko eh nagmamanifest tuloy. Worrywart kasi ako eh. Kasura. Dati naman happy go lucky lang ako kaya wala akong nararamdaman. Hay. gusto ko ulit ng ganun!


At dahil jan, tatalon ako sa New Year's GOAL ko (ayon kay ate Nina).


1. Matulog ng maaga (the best)

2. Iwas taba pa rin.

3. Iwas softdrinks pa din.

4. Controlled eating. Bawasan ang katakawan.

5. Take a break (may time na tignan kung ano ang nangyayari sa paligid ko.)

6. Magturo ng enthusiastic kahit na mahirap minsan.

7. LIVE HEALTHY!


Ayan! Hehe! Wish ko din siyempre na bigyan ako (at tayo) ni Lord ng malusog na pangangatawan ngayong 2011 so I can serve Him with all the strength that I have. :)


After kong ilista lahat ng nangyari nitong 2010 eh it is time to move on. Itabi ang kasalukuyag papel at itabi. Palitan ito ng isang bagong-bago at malinis na papel for a new beginning! (Wait, araw-araw pala eh dapat gagnun!) Anyway, yun lang naman! So goodbye 2010. You were such a good year!


And as the year ends, I am praying that 2011 will be a good year. Masama na rin sana sa pag-alis ng 2010 ang lahat ng mga nararamdaman kong sakit-sakit sa katawan. Hahahaha! Feeling matanda? haha! In short, sumama na sana ang stress sa pag-alis ng 2010. Mapalitan ng good health at free mind sa 2011! Wehehehe! :)


And of course, nagpapasalamat ako sa Singles for Christ kasi napalapit ako sa Panginoon. Tama nga sila, once na mapalapit kay Lord, dadami ang problema kasi ina-attempt ng masama na hatakin papalayo sa Panginoon. But I will still keep my faith in HIM. Wala nang iba pa! :)


Ayan, sa lahat ng mga dati ko nang kakilala at sa mga bago kong nakilala...


HAPPY NEW YEAR EVERYONE! :)