Grabe! I wasn't expecting this. Akala ko hindi na ako tanggap kasi hindi ako natawagan kahapon. Tas kaninang umaga nag-text na mag-report na daw ako sa Nuestra Sra. de Aranzazu Parochial School (buo yan!) for the interview.
Ayun, napatalon ako sa kama ko tas teleport papuntang banyo para maligo. Kumain lang ako ng konti tas alis na. Aba't hired na ako! Ininterbyu ako ng director then pinirmahan na nya yung application ko. Akalain niyo yun, start agad ako? Napasabak agad ako sa giyera! Biglaan kasi silanag nagpa-hire ng mga English teacher kasi biglaan ding umalis yung pinalitan ko papuntang Dubai. Ayun, biglaan din akong napaturo! Hahaha!
Unang klase, III-D. Ok naman sila. Siyempre first day ko pa lang, wala kaming ginawa. Ganun din sa iba pang mga section. Ang hindi ko lang na-meet eh yung III-E which is the star section. Yung pinalitan kong teacher eh yun yung advisory class niya. Mapupunta kaya sa akin? Sana wag naman. Yoko pa humawak ng advisory class. Ngarag ako nun sigurado.
Reaction? I'm still dumbfounded. Feeling ko nananaginip ako eh. Good thing is isa lang hawak ko, puro 3rd yr lang at walang halong ibang year. Madali na yun kahit na limang section ang hawak ko. At least isa lang ang preparation ko. Hoho!
How do I feel? I think I'm ready to handle these classes. Kahit na mahina ako sa grammar, I'll learn kasabay ng mga students ko. Haha!
Ok, so back from being a GTD: Great Teacher Dalida! Hohohoho! Wala lang. Share ko lang.
Yun nga lang, pag may convention na dated ng Sunday eh I might not attend anymore. Siyempre Lunes kinabukasan, may pasok na. Pero I'll try. Tatapusin ko yung mga activities ng Sabado pa lang para naman hindi hassle and I can go to conventions without any worries.
O siya siya, gulat pa rin ako eh. Haha! Ohmaygad! TITSER NA AKO!!!!!
Thursday, October 22, 2009
Gulatan ng Biglaang Pag-Hire Sa Akin. Biglaang Pagsabak sa Giyera ng Pagtuturo.
Posted by Athrun at 11:01 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment