BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, December 30, 2009

Bakit Mahirap Maging Artista? (Para Sa Mga Gustong Maging Artista)

Naisip ko lang kanina habang kumakain ako ng tinapay. Naisip ko na ang pag-aartista pala ang isa sa pinakamahirap na trabaho pagdating sa nature ng work. Opinyon ko lang naman. Ito ang mga dahilan.

Una, kadalasan ay lagi kang puyat or kung minalas-malas eh wala ka pang tulog.
Lalo na kapag sunod-sunod ang taping. Naku! Wala na. Siguro power nap na lang ang magagawa mo. Yung 10 mins. na tulog. Minsan ang pinakamahaba mong tulog ay apat na oras.

Oras ng trabaho.
Kung sa call center eh gabi ang pasok, at sa office eh umaga, sa mga artista, both. Kung saan matyempuhan ng eksena. Kung ang eksena eh gabi, for sure madaling araw yun ishu-shoot para walang mga pampam sa likod ng camera. Tapos nun konting pahinga lang, antay ng sikat ng araw para naman sa mga morning scenes. Yung mga eksena na litaw na yung araw. Tuloy-tuloy yun! Kawawa pa eh puyat na nga, nasisigawan pa pag hindi nakuha yung eksena ng maayos. Kakapikon kaya yun!

Wala kang privacy.
Alam naman natin na ang mga artista ay wala talagang privacy. Every move na gawin nila eh either nada-dyaryo or nati-TV. Lahat na. Tungkol sa pamilya, sa boypren, sa ginagawa, sa hobbies, sa mall na pinupuntahan, brand na suot, at kung anu-ano pa. Mahirap yung konting moves mo lang eh ginagawa nang tsismis. Sa babaeng artista, pag may kasamang lalakeng artista eh automatic sila na agad kahit na hindi naman. Sa lalake, pag may kasamang lalakeng artista eh girlfriend na niya agad kahit na hindi naman nanliligaw si lalake. Hirap nun di ba? Tapos madami pang made-up stories na talagang ikababaliw ng kawawang artista.

Dapat laging nakangiti at good-looking.
Ito ang pinakamahalaga na hindi dapat kinakalimutan ng mga artista o ng mga gustong mag-artista. Dapat lagi kang good-looking sa kahit ano mang oras. Kasi pag hindi, abangan mo ang picture mo na panget na pinagkakaguluhan sa internet. "Ito pala ang itsura niya pag walang make-up...ang panget!" Dapat lagi ka din nakangiti. Bawal mabugnot ang mga artista kasi kahit konting simangot lang nyan eh issue na agad kesyo sinungitan daw ang fans or blah blah. Kawawa naman talaga sila, laging nakangiti, parang baliw.

Bawal magreklamo.
Bawal. Bawal na bawal. Sa ibang trabaho ok lang mag-reklamo kasi hindi ka mawawalan ng trabaho. Sa artista, konting reklamo mo lang at marinig ng management, automatic, matatanggap mo ang pahinga mo na inaasam, yun nga lang, sobrang liit na ng chance mo na makabalik at kung minalas-malas ka eh hindi ka na makakabalik pa.

Madaming commitments. Sobra.
Madami talagang commitments ang mga artista, nandyan yung taping ng serye kung meron man, then after nun eh may commitment pa sila sa mga brand na suot nila (commercial), tapos nun may mga mall tour pa, tapos may sarili pang lakad. Oh, isipin mo na lang, kelangan talaga nila ng isang kahon ng Enervon para lang magawa nila lahat yun. Nakakapagod. Pero sabi ko nga sa itaas, bawal na bawal silang mag-reklamo kung ayaw nilang mawala sa sirkulasyon.

Walang holiday-holiday.
Tulad ng sa call center, wala silang holiday. Hangga't may taping eh nandon sila. Bawal umuwi. Ang di ko lang alam eh kung double pay din sila pag holiday. Siguro nga.

Plastikan.
Aminin man nila o hindi, karamihan sa kanila eh nakikipag-plastikan lang sa isa't-isa. Isipin mo na lang, siyempre pag nilabas nila ang tunay nilang feelings sa certain artista na yon eh automatic, piyesta na ang media. Gagatasan na nila ng gagatasan yung issue na yun hanggang sa isigaw na ng artistang involved ang, "OO NA! GALIT AKO SA KANYA! NAKIKIPAGPLASTIKAN LANG AKO! MAMAYA AABANGAN KO SIYA SA LABAS TAPOS ISU-SUPLEX KO SIYA SA BASURAHAN! GRAAAOOOOOOOWR!!!!!!"

Pagkalaos.
Ito ang ultimate fear ng mga celebrity, ang pagkalaos. Siyempre pag lagi kang nakikita sa TV eh may tendency na magsawa talaga sa'yo ang mga tao. Minsan kung gaano kabilis sumikat ang artista eh ganun din kabilis ang pagbagsak nila. Tsk tsk. Malungkot ang malaos, mahirap maka-move on. Tsk tsk.

Dapat may itsura ka.
Ang pinaka-importante sa lahat. Ang ibig kong sabihin dito eh dapat guwapo or maganda ka. Unless gusto mong malinya sa comedy or horror, ok lang kahit mukha ka lang normal or below normal na tao. Pero kung gusto mo talaga ng seryosohang akting kahit di ka gwapo eh galingan mo para mapansin ka. Pag nagtagal, guguwapo/gaganda ka rin kapag nagkapera ka.



Ewan ko kung may kulang pa sa itaas pero yan lang ang naisip ko. Kung kaya ninyong panindigan ang lahat ng iyan eh siguro sa pag-aartista ka nga talaga. Galingan na lang at pagsikapan para sumikat...at malaos balang araw. Hehehehe!

2 comments:

Unknown said...

Ako lahat ng ito tatandaan ko pag artista na ako sa showbiz, gaano man kahirap papasukin ko ! Dito sa pagaartista itituloy ko pa din ang pangarap ko magartista sa gma showbiz sa susunod ako naman ang mapansin ng gma sana , bigyan nila ako chance na matupad ko mga pangarap ko sa buhay....hindi ko sasayangin ang pagpapaguran ko at magiging mabuti ako artista sikat man o Hindi importante ..wala ako aapakan na iba tao higit duon gagawin ko to para sa mga magulang ko at mga pangarap makapagtapos maging best actress😊sa gma

Jessel said...

Kung sakali man na kukunin Ako being an actress siguro I'll go for it Kasi lahat Naman kakayanin ko kahit ano pa iyan .
Sinubok na Ako ng panahon since Bata pa Ako hanggang lumaki Ako but I'm very strong parin.
Ang Dami ko nang pinagdaanan gusto ko maiba Naman.

Sana palarin Ako kapag mag audition na ako at handa na ako sa lahat ng mahirap .