BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, May 28, 2010

CLP-SFC. Rejuvenated. Happy. Holy Spirit. PRAISE!

Hay, I feel rejuvenated. Parang bininyagan ulit ako. This time, alam ko na kung ano ang sinabi sa akin ng pari nung ako ay bininyagan. Napakahalaga pala ng mensage na sinabi ng pari sa akin dati nung binibinyagan ako. Ang problema lang eh hindi ko pa naiintindihan yun at wala pa akong muwang sa kung ano ang nangyayari.

::Thoughts::

In the name of the Father, the Son, and the HOLY SPIRIT, Amen.

Araw, araw natin nababanggit pero aminin man natin o hindi, may kataga tayong hindi natin alam sa nabanggit...ang HOLY SPIRIT. Ano ba talaga yan? Bakit kasama pa yan? Kilala natin ang Ama, at ang Anak. Pero Holy Spirit? Ano daw?

Sa 22 years ko sa earth, ngayon ko lang nalaman kung ano ang Holy Spirit at kung ano ang importansya nito. Nakakahiya ba? Sa mata ng tao, hindi. Sa mata ng Diyos, oo. Sa aking palagay lang naman. Ano ba kasi yan? Ganito ang paliwanag samin kanina sa CLP:

Noong panahon bago isinilang si Jesukristo, kasama nila ang Diyos Ama. Nung panahon ni Jesukristo, siyempre, kasama ng mga tao si Jesus. Nung umakyat na si Jesus sa kanan ng Ama, ano na yung sa atin? Sila may kasama tapos tayo wala. Lugi tayo dun. Doon papasok ang HOLY SPIRIT. Ang Holy Spirit, ayon sa Bibliya na rin, ay ang manipestasyon ni Jesus sa ating panahon. Siyempre, para may kasama tayo. Yan ang Holy Spirit. Si Jesus.

Korni ko ba kasi I talk about these things? Hindi korni yun. Weird ba? Oo, weirdo na kung weirdo sa mata ng marami. Pero ayon nga sa speaker namin kanina sa SFC, kung magpapaka-wirdo ka sa Diyos, at kung wirdo na rin ang tingin sa'yo ng tao eh ituloy-tuloy mo na. Basta sa Diyos! TAMA!

ANG TUNAY NA LALAKI, IPINAGMAMALAKI ANG KANYANG PANANAMPALATAYA SA DIYOS!


Super thankful ako kasi nandito ako sa Christian Life Program ng Singles For Christ. Daming nabago. Lumalalim ang tingin ko sa relihiyon at kay Kristo. Hindi na lang siya isang estatwang kahoy na krus na nakasabit sa simbahan na dinadasalan ng tao. Sa akin malalim na ang meaning nito. Sayang lang at ngayon ko lang nalaman to, pero it's not too late kasi 21 yrs old pwede mag-start sa SFC eh. I'm just 22 turning 23. Kaya sa inyo, kung member kayo ng YFC ngayon, ituloy-tuloy niyo na yan! Kung di pa, pa-member kayo. I promise, magiging masaya kayo physically, emotionally, at ang pinaka-important sa lahat, SPIRITUALLY. :)


Jhay-r Dalida
Facebook/Multiply
May 29, 2010
12:32 AM

Saturday, May 22, 2010

Things I Love and Hate in Cosplaying

LOL! Blogging at a computer shop!

Anyway, because dulcinea posted something that is thought provoking to me, I might as well type down my stand about cosplaying.

Cosplaying for me is a hobby, period. Nothing more, nothing less. It's a bonus if you get to meet a lot of people with the same interests as yours and for people to compliment you about your cosplay.

What I love in cosplaying is that it fulfills my childhood dream, to dress-up my favorite anime characters. It may seem so childish but it's a childhood dream I onlyget to fulfill now.

Another thing I like in cosplaying is that it teaches me how to interact with people.

There are a lot of things that I can't even put to words why I love cosplaying. I just enjoy what I do.

Now to the hate part? The conventions and the exploitation of cosplay. I don't hate the conventions as it is. What I hate about conventions is that it seems like to happen weekly. Ginagatasan nila ang cosplay.

To be continued.... time na eh. :D

Thursday, May 20, 2010

Mga Kauna-unahan at Kaisa-isa sa Kamen Rider Series

Naisip ko lang na gawin. Hehe! At ito ang aking mga napansin:

1. Si Kamen Rider Black ang unang Showa rider na walang scarf.

2. Si Kamen Rider Black RX ang kauna-unahang rider na may ibang form.

3. Si Kamen Rider Skyrider ang kauna-unahang may kakayanang lumipad. At siya lang ata.

4. Si Kamen Rider Stronger ang kauna-unahan at kaisa-isang rider na may malaking ulo.

5. Si Kamen Rider Shin ang kaisa-isang rider na mukhang kalaban. Hehe!

6. Si Kamen Rider J ang kaisa-isang rider na napaka-laki.

7. Si Kamen Rider Kuuga ang kaisa-isang rider na may napakaraming forms. Siya din ang kauna-unahang rider na may final/ultimate form.

8. Sa Kamen Rider Agito naman ang kauna-unahang rider series na maraming rider.

9. Si Kamen Rider Ryuki ang kauna-unahang gumamit ng card system.

10. Si Kamen Rider Hibiki ang kamen rider na mukhang hindi. Siya lang din ang kaisa-isang rider na hindi belt ang gamit sa pagta-transform.

11. Si Kamen Rider Den-O naman ang may pinaka-mahinang human form. (Yung di pa naghe-henshin). Siya lang din ang kaisa-isang rider na comedy ang dating.

12. Si Kamen Rider Decade naman ang kauna-unahan at kaisa-isang rider na nagagamit ang 9 previous Heisei era riders (Kuuga, Agito, Ryuki, Faiz, Blade, Hibiki, Kabuto, Den-O, Kiva) para sa kanyang sariling kapakanan.

13. Si Kamen Rider DiEnd ang kauna-unahan at kaisa-isang rider na walang motorbike.

14. Si Kamen Rider Black ang kaisa-isang rider na may dalawang motorbike.

15. Si Kamen Rider W ang kauna-unahang rider na dalawa ang ta0 na kailangan bago makapag-transform.

16. Si Kamen Rider Faiz naman ang kauna-unahang gumamit ng rider belt na sinusuot lang at hindi basta-basta lumilitaw.�

17. Si Kamen Rider Kiva naman ang kauna-unahan at kaisa-isang rider na may buhay ang belt.

Wala lang. Natripan lang gumawa nito. Hehehe! XD

Facebook mobile
May 18, 2010

Friday, May 14, 2010

Paghahanap sa Sarili

Naisip ko lang to kanina habang nasa CLP (Christian Life Program) ako. Although hindi siya related sa topic namin kanina pero isusulat ko na lang din.

Alam naman ng friends ko dito sa fb na teacher ako. Siguro iniisip niyo na maliit pa lang ako eh pangarap ko na ito. Well, here's my story.

Grade 1 pa lang ako noon eh tandang-tanda ko pa na iniisip ko na noon kung anong course ko pagtungtong ng college. Oo, ganun ako mag-isip noon. Alam ko Engineering ang sagot ko. Parang si dadi. Pero hindi natupad yun kasi nung Grade 3 ako eh nag-remedial ako sa Math (hindi ako bagsak. 78 grade ko nun. Mataas lang talaga standard ng school ko noon.) Naku, malabo na. So isip ulit ako. Lumipat ako ng school noong grade 4. Naka-graduate ako ng elem eh yun pa din ang iniisip ko. Ano ba ang magiging course ko sa college?

High school na ako eh nasa isip ko pa rin yun. Hanggang sa dumating na ako sa 4th yr. Nag-inquire ako sa PUP noon. Natatandaan ko pa na Interior Design ang first course ko noon. Second choice ko eh Mass Com since ok naman ako sa Egnlish. Ayun, gamit nag stock knowledge eh nakapasa ako sa PUP. 93% ang percentile score ko. Walang review-review (Lord, patawad po dahil feeling ko masyado akong nagyabang sa huli kong sinabi). So ayun, kaso may hadlang... 80 lang ang final grade ko nun HS ako. Hindi dahil sa tamad ako. Yun ay dahil sa malabo ang mata ko. Wala pa kasi akong salamin noong mga time na yun. Takot akong sabihin kila dadi na malabo na mata ko kasi baka mapalo ako. Seryoso!

Ayan, May na nun, magpapasukan na pero wala pa rin akong school. Sabi ng ate Grace ko, mag-teacher daw ako katulad niya. Sabi ko, "Hibang ka na ba ate? Tignan mo nga grade ko?" Basta, mag-teacher ka. Sabi ni ate. Napaisip ako ng matagal...mga isang minuto. Tanong ko, "May Social Studies major ba?" Kaso wala daw. Tinanggal. Badtrip. Humirit ulit ako, "Eh Filipino?" Kaso no good pa rin. Ayoko naman ng BEEd kaso mahirap yun. Puro tsikiting magiging students ko nun. So sabi niya,"Mag-English ka na rin!". No choice, nag-English major ako.

College, hindi ko feel na papunta ako sa pagiging teacher. I almost quit. 3rd yr ko eh may bagsak ako na major. English-American Lit. May tres pa ako. Ayoko na talaga eh. Lahat na, nawalan din ako ng gf noon. Problema din yun para sa isang teenager na tulad ko noon. Nag-OJT ako nung 4th yr, walang kaalam-alam sa pagtuturo eh napasabak ako. Muntik na rin ako mag-drop. Ayoko na talaga. Pero nagbago lahat yun nung napadpad ako sa CIS. Sa suporta na rin ni JC na talagang naniwala at hindi bumitaw sa akin ay maayos kong natapos ang OJT sa CIS. Na-enjoy ko pa nga eh kahit na 60+ ang students ko per classroom. Kaya thank you talaga kay JC

Kaso pagka-grad ko, natakot ako magturo. Nag-call center ako. Akala ko yun na talaga ang job ko. Akala ko. May iba pa palang plano si Lord God para sa akin.

Isang taon matapos maging tambay galing sa call center, may dumating na opportunity. Pagtuturo. Ewan ko ba. Bigla na lang akong pumayag na mag-apply. Siguro sawa na rin ako sa pag-aapply sa Ortigas at Makati kaya ayun, kinagat ko. Di ko inaakala na matatanggap ako, At akala ko din na hindi na ako marunong magturo. Ewan ko ba. Natural na natural ako noong demo ko sa III-C. Walang kabang halo. Tapos yun. Natanggap ako. Pero wala pa sa utak ko na teacher na talaga ako...hanggang sa napasali ako sa CLP ng Singles for Christ.

Na-discover ko na nasa pagtuturo pala talaga ako. Siguro kaya ako nakapasok sa call center noon eh dahil si God ang gumawa ng paraan nun para ma-train ako. Ang good enough, I was trained.

May catch pa dun. Nabasa niyo yung sa itaas? Ibinagsak ko ang English - American Literature nung college ako...Pero eto ako ngayon, ayun ang tinuturo ko. At sa tingin ko eh maayos naman at nagampanan ko rin ang dapat kong gampanan bilang guro. Oh di ba? God has a plan for me.

Ngayon, wala na akong maisip na iba pang trabaho ko kung ang pagtuturo. Ikaw? Alam mo na ba ang ba ang balak sa'yo ng Diyos? Kung hindi pa, mag-pray ka at mag-antay ka. Ibibigay niya yun sa tamang panahon. :)

Anong point ko? That God has a plan for us. Darating din yun sa tamang pagkakataon at sa tamang oras.




from my Facebook
May 15, 2010

Sunday, May 2, 2010

Si Friendster. Bow.

Si friendster ang nagmulat sa akin na meron palang social networking site. Dahil kay friendster, dumami ang mga kaibigan ko na hindi ko kilala. Dahil kay friendster, naging masaya ang online social life ko. Dahil kay friendster, nalaman ko na hindi lang pala sa chatroom madaming tao.

O friendster, friendster. Naaalala ko pa noong December 2003 nang nag-sign up ako sa'yo. Wala pang madaming kaek-ekan noon. 5 pa lang ang pics na puwede i--upload. Wala rin HTML customization page. Hindi ko tuloy naiwasan na ikumpara ka kay pareng myspace na lagi kong pinag-eeksperimentuhan ng HTML. Hindi ko din makakalimutan na limitado lang ang puwede kong maging kaibigan noong bago ka pa lang. 500 pa lang noon ang puwedeng i-add. Hindi ko rin naman napuno yun.

O friendster, friendster. Marami akong alaala sa'yo. Diyan ko ulit nakita yung mga elementary friends ko. Pati na yung mga hs friends ko na hindi ko naman kaklase noong time na yun. Yung mga testimonial na walang limit ang characters ay nami-miss ko din. Lalo na noong naglagay ka ng limit sa characters. Nawala tuloy yung mga graphics. Nandun din yung mga testimonials sa akin ng mga kaibigan kong tunay at ng aking nag-iisang ex nasa tuwing nababasa ko noon ay sumisigla ang aking araw.

O friendster, friendster, nandyan ka pa rin kahit na nagka-multiply account ako. Hindi ka nawala. Sa katunayan, nag-make over ka pa noon. Hindi na lang 500 ang puwedeng i-add sa'yo. Dumami na rin. Tapos hindi lang 5 ang limit ng photos mo. Dumami na rin. Hanggang sa sumikat ka ng sumikat. Naging superstar ka sa mga kabataan na walang ibang inatupag kundi mag-online.

Ngayon dumating si facebook. Hindi pa rin kita inabandona agad. Mabagal pa kasi mag-load si facebook noon. Di tulad ng sa'yo. Mabilis. Pero nagka-HTML ka kaya nabuwisit din ako kasi uber bagal na nag loading time. Lalo na't dial-up pa kami noon. Pero ayun pa rin, hindi kita inabanduna. Sa katunayan, gumawa ako ng 2nd account ko noong 2006.

Pero lipas na ang panahon mo friendster. Hindi ka na nakasabay kay facebook. Si facebook na ang bukambibig ng nakararami. Wal ka kasing applications noon na puwedeng mapag-libangan. Wala ka rin chat kung saan puwedeng makausap ang mga kaibigan na online.

Pero ito ka na, pilit nagme-make over. Pero wala na talaga kaibigang friendster. Mahirap man tanggapin, naging bored na ang mga tao sa'yo. Mas masaya na sila sa piling ni facebook. Lalo na yung LIKE button. Wala ka kasi nun eh.

Friendster, oh friendster. naging parte ka ng buhay ng maraming Pilipino. At lahat kami ay nagpapasalamat sa'yo. Sana ay mag ibang bansa naman ang matuwa at mahumaling sa'yo para marami pa rin ang bumisita at kumausap sa'yo.

Friendster, oh friendster. Tumatak ka na sa buhay ng mga Pinoy. Sana ay ma-LIKE mo na si facebook. Sana ay i-TAG ka na niya sa kanyang gimik. Sana ay i-add mo siya para maging friends kayo ni facebook.


Jhaymagician / Valcirst / Athrun
via Multiply
Ika-3 ng Mayo, 2010