BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, May 14, 2010

Paghahanap sa Sarili

Naisip ko lang to kanina habang nasa CLP (Christian Life Program) ako. Although hindi siya related sa topic namin kanina pero isusulat ko na lang din.

Alam naman ng friends ko dito sa fb na teacher ako. Siguro iniisip niyo na maliit pa lang ako eh pangarap ko na ito. Well, here's my story.

Grade 1 pa lang ako noon eh tandang-tanda ko pa na iniisip ko na noon kung anong course ko pagtungtong ng college. Oo, ganun ako mag-isip noon. Alam ko Engineering ang sagot ko. Parang si dadi. Pero hindi natupad yun kasi nung Grade 3 ako eh nag-remedial ako sa Math (hindi ako bagsak. 78 grade ko nun. Mataas lang talaga standard ng school ko noon.) Naku, malabo na. So isip ulit ako. Lumipat ako ng school noong grade 4. Naka-graduate ako ng elem eh yun pa din ang iniisip ko. Ano ba ang magiging course ko sa college?

High school na ako eh nasa isip ko pa rin yun. Hanggang sa dumating na ako sa 4th yr. Nag-inquire ako sa PUP noon. Natatandaan ko pa na Interior Design ang first course ko noon. Second choice ko eh Mass Com since ok naman ako sa Egnlish. Ayun, gamit nag stock knowledge eh nakapasa ako sa PUP. 93% ang percentile score ko. Walang review-review (Lord, patawad po dahil feeling ko masyado akong nagyabang sa huli kong sinabi). So ayun, kaso may hadlang... 80 lang ang final grade ko nun HS ako. Hindi dahil sa tamad ako. Yun ay dahil sa malabo ang mata ko. Wala pa kasi akong salamin noong mga time na yun. Takot akong sabihin kila dadi na malabo na mata ko kasi baka mapalo ako. Seryoso!

Ayan, May na nun, magpapasukan na pero wala pa rin akong school. Sabi ng ate Grace ko, mag-teacher daw ako katulad niya. Sabi ko, "Hibang ka na ba ate? Tignan mo nga grade ko?" Basta, mag-teacher ka. Sabi ni ate. Napaisip ako ng matagal...mga isang minuto. Tanong ko, "May Social Studies major ba?" Kaso wala daw. Tinanggal. Badtrip. Humirit ulit ako, "Eh Filipino?" Kaso no good pa rin. Ayoko naman ng BEEd kaso mahirap yun. Puro tsikiting magiging students ko nun. So sabi niya,"Mag-English ka na rin!". No choice, nag-English major ako.

College, hindi ko feel na papunta ako sa pagiging teacher. I almost quit. 3rd yr ko eh may bagsak ako na major. English-American Lit. May tres pa ako. Ayoko na talaga eh. Lahat na, nawalan din ako ng gf noon. Problema din yun para sa isang teenager na tulad ko noon. Nag-OJT ako nung 4th yr, walang kaalam-alam sa pagtuturo eh napasabak ako. Muntik na rin ako mag-drop. Ayoko na talaga. Pero nagbago lahat yun nung napadpad ako sa CIS. Sa suporta na rin ni JC na talagang naniwala at hindi bumitaw sa akin ay maayos kong natapos ang OJT sa CIS. Na-enjoy ko pa nga eh kahit na 60+ ang students ko per classroom. Kaya thank you talaga kay JC

Kaso pagka-grad ko, natakot ako magturo. Nag-call center ako. Akala ko yun na talaga ang job ko. Akala ko. May iba pa palang plano si Lord God para sa akin.

Isang taon matapos maging tambay galing sa call center, may dumating na opportunity. Pagtuturo. Ewan ko ba. Bigla na lang akong pumayag na mag-apply. Siguro sawa na rin ako sa pag-aapply sa Ortigas at Makati kaya ayun, kinagat ko. Di ko inaakala na matatanggap ako, At akala ko din na hindi na ako marunong magturo. Ewan ko ba. Natural na natural ako noong demo ko sa III-C. Walang kabang halo. Tapos yun. Natanggap ako. Pero wala pa sa utak ko na teacher na talaga ako...hanggang sa napasali ako sa CLP ng Singles for Christ.

Na-discover ko na nasa pagtuturo pala talaga ako. Siguro kaya ako nakapasok sa call center noon eh dahil si God ang gumawa ng paraan nun para ma-train ako. Ang good enough, I was trained.

May catch pa dun. Nabasa niyo yung sa itaas? Ibinagsak ko ang English - American Literature nung college ako...Pero eto ako ngayon, ayun ang tinuturo ko. At sa tingin ko eh maayos naman at nagampanan ko rin ang dapat kong gampanan bilang guro. Oh di ba? God has a plan for me.

Ngayon, wala na akong maisip na iba pang trabaho ko kung ang pagtuturo. Ikaw? Alam mo na ba ang ba ang balak sa'yo ng Diyos? Kung hindi pa, mag-pray ka at mag-antay ka. Ibibigay niya yun sa tamang panahon. :)

Anong point ko? That God has a plan for us. Darating din yun sa tamang pagkakataon at sa tamang oras.




from my Facebook
May 15, 2010

0 comments: