BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, June 26, 2011

Ano Kaya? Bayani Edition!

Kanina habang nanonood kami ng ate ko ng documentary about kay Jose Rizal tungkol sa mga paborito niyang pagkain, may naisip kaming nakakatawa: Ano kaya kung nabubuhay ang mga bayani natin ngayon?


Ano nga kaya noh? Ngayong laganap na ang teknolohiya sa ating panahon, ano kaya ang pinagti-tripan ng mga bayani natin? Imajinin mo na lang si Jose Rizal, na tatawagin nating Pepe dahil dun naman siya mas kilala, na may facebook account siya? Or sige, lahatin na natin. Ano kaya ang mga profile picture ng mga bayani natin?


1. Pepe - Siguro, dahil siya'y kilalang propagandista, siguro picture niya eh yun nagbo-blog siya? Hmmm... Puwede! Pero ayon sa mga historians natin, si Pepe daw ay napaka-vain na tao! Imagine, si Pepe, CAMWHORE?! Ok sige, proven ko yan! Sa libro ko dati nung elementary ay may picture si Pepe kasama ang mga friends niya abroad. Lahat sila seryoso, si Pepe eh nakangiti, at may suot na boxer shorts sa ulo! Pero hindi ako sure kung boxers nga ba yun. Basta damit pang-ibaba yun! Ang balita pa, maraming unpublished photo si Pepe. Kung anong dahilan eh hindi na natin iisipin pa. Siguro puwedeng may picture siya na nasa tapat ng Eiffel Tower. Alam mo naman si Pepe, gala. Daig pa si Dora the Explorer!


2. Andres Bonifacio - Ito ang interesante! Kanina pa namin pinag-iisipan to eh. Maraming possibilites. Unahin na natin ang kanyang dugong katipunero. Siguro ang profile pic niya ngayon eh kasama niya ang mga collection niyang iba't-ibang patalim at baril. Puwede rin na mga something related sa aktibismo. O malay mo, may hawak siyang iPad habang may nakasuksok na earphone sa tenga niya? Puwede, di ba?! :D


3. Gregorio del Pilar - Naaalala niyo ba yung lalake na nakasakay sa kabayo? Yung pogi? Siguro kung may fb siya eh hindi siya sa kabayo nakasakay. Siguro sa Kawasaki or Ducati na motor na? Siguro may collection na rin siya ng iba't ibang motor ngayon. At yun ay mapupunta sa photo album niyang "My Collections". At dahil pogi rin siya, siguro may puwede rin na nasa beach siya ng Boracay, na naka-beach attire, na may hawak na surf board! Astig nun!


4. Apolinario Mabini - The Paralytic. Hmmm, naisip ko lang, siguro ang pic niya ngayon eh nasa wheelchair siya. Yung automatic. Yung hindi na magtutulak. Tapos puwedeng nasa Boracay siya. Hehe! Tapos sikat na rin siyang blogger. May sarili siyang blogsite like http://akosimabini.blogspot.com. Pero wag niyong pupuntahan yang site na yan dahil baka wala pang may ari...or puwedeng meron rin. Ayokong subukan. :D


5. Juan Luna - The Painter! Hah! Naiisip ko na! Siguro may hawak siyang iPad na kung saan puwede na siyang mag-sketch sa screen! Yung ang possibility na yun ang profile pic niya! Or siguro picture niya na painted or photosopped! Cool! Cyber paintbrush na ang hawak!


6. Emilip Aguinaldo - Hindi ako huge fan ni Emilio dahil sa mga pinaggagagawa niya sa iba nating mga bayani. Pero sige, bigyan natin ng credit ang unang Presidente ng Pilipinas. Siguro ang profile pic niya ngayon eh katabi niya ang mga koleksoyon niya ng Vintage Cars! Feeling ko mahilig sa kotse 'tong si Emilio eh. Or anything related sa driving, cards, and pistols for that matter, ang kanyang primary picture. Tapos siyempre, brushed-up pa rin ang lolo mo! Lufet!


7. Marcelo H. Del Pilar - Siguro ang profile pic niya ngayon sa fb eh yung naka-disente siyang damit. Nasa isang bakasyunan na bahay niya, at may hawak na diyaryo! Bakit hindi?! Haha! Or puwede rin na nasa office niya siya at nage-edit ng articles ng mga underlings niya. Busy-busyhan sa picture kuno. Hehe!



Ayan, nawalan na ako ng bayani sa utak. Yung iba kasi hindi ko na matandaan ang itsura. Hahaha! Nakkatawang isipin di ba?



Jhay / Valcrist / jhaymagician

June 26, 2011


0 comments: