I don't think high of myself. I find myself peculiar because...I really am.
Wednesday, June 30, 2010
One's Worth
Posted by Athrun at 4:33 AM 0 comments
Thursday, June 17, 2010
Murang Cellphones Ba? Dito Ka Na!!! Original Gadgets FOR SALE!!!
Murang cellphones ba ang hanap mo? Dito ka na? Ito ang mga available phones:
- ipod headset
- emo unique dynamic headphone
- 3.5mm socket
- nokia charger
- 1gb
- high speed universal card reader
- universal moviedock stand
Posted by Athrun at 8:07 AM 0 comments
Ang Mundo ng mga Ultraman vs Ang Mundo ng mga Kamen Rider
Napaisip ako noong isang linggo tungkol sa dalawang toku na na'to. At bigla kong naisip ang tanon na, "Sa dalawa, saang mundo ba mas masarap tumira?"
Posted by Athrun at 4:24 AM 0 comments
Tuesday, June 15, 2010
Skills. Hobbies. Etc.
Ngayon ko lang napag-tanto. Ang dami ko palang skills. Haha! Self-centered ba 'tong blog na 'to? Hehe! medyo lang naman.
Marunong akong tumugtog ng gitara. Natuto lang ako nito nung college. Gusto ko kasi magpasikat noon at matugtugan lang ng isang kanta yung nililigawan ko noon. Hehe! Ayun, natuto naman at nagkaroon ng dalawang gitara, na napunta sa hiraman yung isa. Hehe!
Marunong akong tumugtog ng drums. Ito talaga ang first love ko pagdating sa musical insturments. Ewan ko ba, papakinggan ko na yung kanta eh makakapa ko na agad yung palo. Unlike sa gitara na kelangan ko pa ng chords para lang matugtog ang kantang gusto kong tugtugin. (Tugs tugs tugs tugs)
Magic enthusiast ako. Meaning I do a couple of card magic and close-up magic Obvious ba? Kaya nga jhaymagician ang name ko dito sa multiply eh. Hehehe!
Na-develop ko rin ang English speaking skills ko. Salamat sa rigid training ng call center at ang makausap ang mga native speakers sa US. Medyo nosebleed lang pero kailangan eh dahil isa akong English major. Kakahiya naman kung mali-mali pa ang pagbigkas ko sa mga salita. :D
At ngayon, nagpa-plano na naman akong dagdagan ang aking skills. Ang tumugtog ng VIOLIN! Hahaha! Ewan ko. Na-trippan lang namin ng co-teacher ko na mag-aral. Siguro soon, pag nakabili ng violin. Tapos pag natuto ako eh una kong tutugtugin ang piece ni Kurenai Otoya. Hwehehehe! Adik sa Kamen Rider talaga. Hwehehehe!
So anong purpose ko sa pag-type nito? Wala lang. Buti nga at binasa mo pa eh. :D Sa susunod ulit. May pasok pa pala bukas. Feeling bakasyon pa rin ako. Di ko na alam ang idi-discuss ko sa 2nd day ng orientation. Harharmon. lolz!
Posted by Athrun at 2:46 AM 0 comments
Monday, June 14, 2010
Random Talaga. Thoughts Lang. Basahin Kung Trip Niyo. :D
Ahaaaaaaaayyyyyy!!!!! Pasukan na bukaaaaaaaaaaaaaaaaaaas!
Pasukan na bukas.
Pasukan na
Pasukan
...DI NGA?!!!!
Ayan, good luck sa akin. First time ko na masisimulan ang school year. Galing-galing. At bilang adviser pa! Lupet talaga! Pero deep inside me eh ang saya ko. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil may advisory ako? Siguro dahil feel ko na bigay talaga ni Lord yung advisory ko? Ewan. Pero I feel blessed and guided.
Ayun, pasukan na. Inglisan na naman to na umaatikabo. Accent jap na nga ata ako kakapanood ng anime at kamen rider eh. Hahaha! Pero hindi pa naman kasi kaka-try ko lang mag-inggles kanina lang. Hehe!
Hmm, orientation sa 1st and 2nd day. Sana naman hindi pasaway ang mga anak ko. Kasi pag naging pasaway sila eh walang Christmas Party sa December! Haha! Joke lang! Papayag ba naman ako nun? :D Pero matagal pa yun, Hehehe!
.:TV:.
Nakita ko nung Saturday sa TV show na KULILITS yung kaklase ko nung elem sa St. Matthew's Academy (old name) na crush ko din. Nung una nag-alangan pa ako pero kasi kamukha eh. So hinanap ko sa fb kanina at yun nga, siya nga! From San Mateo! Ang saya ko naman bigla. Hahaha! She's still pretty. Teacher din siya ngayon. Elementary level naman. Hmmmm... (grins) lol!
:::::TRANSITION::::::
Ayan, 10:30 na. May ididikit pa ako sa classroom ko ng maaga kung makakapasok ako ng maaga bukas. Ang lufet! 7 to 11 am ang klase. Botohan ng officers agad. Tapos games! Hehe! Parang hindi 3rd year hs ang hawak ko eh. Haha!
Ayun, sige na. Salamat sa pagbabasa. Mag-comment ka kung trip mo. At since posted to sa fb, like mo na rin kung like mo. Tapos after 3 seconds i-unlike mo kung talagang nagti-trip ka lang. Hahaha!
Multiply
6/14/10
9:32 pm
Posted by Athrun at 3:36 AM 0 comments