Ngayon ko lang napag-tanto. Ang dami ko palang skills. Haha! Self-centered ba 'tong blog na 'to? Hehe! medyo lang naman.
Marunong akong tumugtog ng gitara. Natuto lang ako nito nung college. Gusto ko kasi magpasikat noon at matugtugan lang ng isang kanta yung nililigawan ko noon. Hehe! Ayun, natuto naman at nagkaroon ng dalawang gitara, na napunta sa hiraman yung isa. Hehe!
Marunong akong tumugtog ng drums. Ito talaga ang first love ko pagdating sa musical insturments. Ewan ko ba, papakinggan ko na yung kanta eh makakapa ko na agad yung palo. Unlike sa gitara na kelangan ko pa ng chords para lang matugtog ang kantang gusto kong tugtugin. (Tugs tugs tugs tugs)
Magic enthusiast ako. Meaning I do a couple of card magic and close-up magic Obvious ba? Kaya nga jhaymagician ang name ko dito sa multiply eh. Hehehe!
Na-develop ko rin ang English speaking skills ko. Salamat sa rigid training ng call center at ang makausap ang mga native speakers sa US. Medyo nosebleed lang pero kailangan eh dahil isa akong English major. Kakahiya naman kung mali-mali pa ang pagbigkas ko sa mga salita. :D
At ngayon, nagpa-plano na naman akong dagdagan ang aking skills. Ang tumugtog ng VIOLIN! Hahaha! Ewan ko. Na-trippan lang namin ng co-teacher ko na mag-aral. Siguro soon, pag nakabili ng violin. Tapos pag natuto ako eh una kong tutugtugin ang piece ni Kurenai Otoya. Hwehehehe! Adik sa Kamen Rider talaga. Hwehehehe!
So anong purpose ko sa pag-type nito? Wala lang. Buti nga at binasa mo pa eh. :D Sa susunod ulit. May pasok pa pala bukas. Feeling bakasyon pa rin ako. Di ko na alam ang idi-discuss ko sa 2nd day ng orientation. Harharmon. lolz!
Tuesday, June 15, 2010
Skills. Hobbies. Etc.
Posted by Athrun at 2:46 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment