Napaisip ako noong isang linggo tungkol sa dalawang toku na na'to. At bigla kong naisip ang tanon na, "Sa dalawa, saang mundo ba mas masarap tumira?"
Isipin mo na lang, kung nasa mundo ka ng Ultraman, ang daming alien araw-araw. At hindi lang alien, halimaw na alien...AT ANG LALAKI PA NILA! Everyday ganun! Parang nakakatakot naman yata yun. Araw-araw eh may dalawang malaking ewan na naglalaban sa bakuran mo. At ito pa, araw-araw nasisira ang mga building sa Japan dahil sa paglalaban ng dalawang higanteng nilalang pero araw-araw din itong naaayos. Ang husay! Pero nakakatakot pa rin manirahan sa mundo ng Ultraman kasi malalaki yung kalaban...PATI SI ULTRAMAN!
Sa mundo naman ng mga Kamen Rider aka Masked Rider, ganun din. Araw-araw may alien. Pero ang kaibahan lang eh hindi ito mga dambuhala! Mga kasing-laki sila ng mga tao. Name-merwisyo rin sila. Pero dahil nga maliit sila, may certain area lang silang napipinsala at nagugulo. At, hindi pa sila kasing-ingay ng mga alien sa Ultraman! Ang cool pa ng costumes ng mga Kamen Rider!
0 comments:
Post a Comment