Kanina umattend ako ng GA ng Singles For Christ na ginanap sa Holy Name of Mary (tapat ng ICCT). Buti na lang at umattend ako kasi napakain at napainom ko din ang nauuhaw kong pananampalataya.
After ng Baptism namin akala ko mas lalakas ang aking pananampalataya. Pero ewan ko ba, kinabukasan noon ay nasubok agad ako. Target: Patience. I failed. Ewan ko ba. Basta nung araw after the Baptism eh ang init ng ulo ko. Siguro kasi kay aga-aga eh sigaw ang narinig ko. Ayoko ng ganun eh. Masama sa gising yun. Tapos uutusan ka pa na imbis na nasa pakiusap ang tono eh pasigaw. Alam mo yun? Tapos after that, whole week ko, I felt like I was constantly tested.
Pero I still continued to attend the CLP kasi desidido ako na matapos yun. Siguro para ma-save din yung medyo shakened na faith ko. Pero iba na yung dating ng pag-attend ko before the Baptism and after. Ayon nga kay Brother Rod, "dry". Dry sa means na, I still have my prayer time, nagsisimba ako tuwing linggo, pero parang ginagawa ko lang kasi parang nakasanayan or parang kelangan lang. Ewan ko, hinahanap ko nung panahon na yun kung bakit nagkaganun. Wala pa rin.
Graduate na ako sa CLP at isa nang SFC member, pero after graduation, parang I felt like I was a failure. Kasi nga I still felt dryness. Parang di ko ramdam yung Holy Spirit. Mahirap i-explain.
Pero dahil sa pag-attend ko sa GA, at sa dami ng nag-share, nalinawan ako. At nalaman ko din ang sagot sa tanong ko kung bakit naging "dry" ang faith ko after the baptism. Siguro dahil una, na-test agad ako kinabukasan. Parang nasabi ko na,
"Ang bilis naman po nito Lord." Ikalawa, kasi nagtago na naman ako sa mata Niya. I still do my favorite sins. Kaya siguro nagkaganoon. Nasa akin pala ang mali. Kumbaga eh nabulag ako. Nakakahiya nga kasi konting test lang yun, nagkaganoon na ako. Pero I still find the way pa naman to discover the reasons kung bakit nakakaramdam ako ng "dryness". Ayoko kasi na mawala ang faith ko sa Kanya.
Pero suwerte pala ako kasi nalaman ko na tinutulungan at tinututukan ako ng Diyos dahil sa test na yan. Hindi ako tinest dahil namimili siya. Hindi naman kasi namimili ang Panginoon ng mga taong sasamba sa kanya. Kaya ngayon eh nagpapasalamat ako sa mga bros at sis na nag-share. Sabi nga ng mga kasamahan sa SFC, hindi ka instantly magbabago. It's a process.
Tama nga sila. :) I'm thankful kasi member ako ng community na ito. Thankful din ako kasi na-meet ko silang lahat. Sila na nagpapakita sa akin ng tamang daan sa pagbabago. :) Buti na lang at Singles For Christ ako! :)
Saturday, July 3, 2010
Dryness of Faith
Posted by Athrun at 8:54 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment