Medyo na-late ng isang araw itong blog na ito para sa anniversary ng bagyong Ondoy. Pero teka, dapat nga bang "anniversary" ang tawag natin dito? Teka, sige, re-phrase natin, Itong blog na ito ay para sa paggunita sa bagyong Ondoy matapos itong manalasa isang taon na ang nakalilipas.
[PRESS START]
Kahapon, Ika-26 ng Septyembre, 2010, na-assign ako sa first reading sa misa sa simbahan ng Aranzazu dito sa San Mateo, Rizal. Pagkatapos ng sermon ni Fr. Jerry tungkol sa paggunita sa bagyong Ondoy, naibulong ng katabi ko (not exact words), "Wala naman eh. Hindi tayo natuto. Imbes na mag-pokus tayo sa source ng baha ay iba ang ginawa ng tao. Imbes na maglinis ng kapaligiran, bawasan ang basura, at magtanim ng punla, sa iba nagpokus ang tao. Itinaas lang nila ang kanilang mga bahay para pag mangyari ulit yun ay hindi na sila aabutin. Pero ganun pa din. Hindi pa rin nasolusyunan ang basura."
Napaisip ako bigla at nasabi ko na lang sa sarili ko, "Oo nga noh? Tinaasan lang nila ang mga bahay nila, from 1st floor eh naging 3rd floor na ngayon. Siyempre, para makasigurado. Para ligtas kasi mataas.
Isang taon matapos manalasa ang Ondoy, wala pa rin pinagbago. Nagkalat ang mga basura sa kalye. Balik sa normal ang pamumuhay ng mga tao. Putol ng puno dito, putol ng puno doon. Walang habas na pamumutol hanggang sa wala nang maputol. Ang resulta? Wala nang sisipsip ng tubig baha kapag umulan ng malakas.
Natuto nga ba talaga tayo?
Mag-ikot-ikot ka at tignan ang mga kalye, puro kalat. Tambak ang basura sa bakanteng lote. Wala man lang humahakot. Kapag umulan, baha ulit dahil sa mga basurang inagos at humarang sa butas ng kanal.
Natuto nga ba talaga tayo?
Marami sa atin nag nagsasabi na minsan lang mangyari ang ganoong insidente kaya hindi tayo dapat mag-alala. Bakit? Diyos ba sila para malaman yun? Hangga't irresponsable tayong mga tao sa pagtatapon ng ating basura, sa pagpuputol ng puno, at pagsasawalang bahala sa ating kapaligiran, mauulit at mauulit yon.
Pero sana nga ay hindi na iyon maulit muli. Dahil hanggang ngayon ay nasa ulo ko pa rin ang tanong...
Natuto Ba Tayo?
Sunday, September 26, 2010
Natuto Ba Tayo?
Posted by Athrun at 7:49 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment