::Typhoon Ondoy (Saturday)::
THANK GOD HINDI KAMI BINAHA NG MATINDI!!!
Yan na lang ang nasabi ko. Ewan ko ba. Namangha talaga ako nung Sabado eh. First time kasi binaha ang Montalban. Imagine, bundok na nga kami eh binaha pa kami?
Ito ang mini-adventure ko nung Sabado.
::Nang Dahil sa Internet Card::
Sabado: Alas-9 ng umaga, lumabas ako ng bahay para bumili ng internet card. Since umuulan at boring eh naisipan ko na bumili ng internet card. Pagdating namin ng kaibigan ko sa gate ng village namin, baha. Pero hindi lang basta baha. Grabe, first time yun na kulay tsokolate ang baha sa village namin. At eto pa, hanggang ibaba ng tuhod. At dahil perstaym nga eh mangha kami parehas. So sige, highway na kami. Nagulat kami sa eksenang nakita namin, traffic. Laging traffic dun kasi sa kabilang kanto namin eh INC pero iba ngayon. Baha daw.
Then sumakay na kami ng jeep at laking gulat namin sa isang eksenang nadatnan, baha ang national road! PERSTAYM YUN! Seryoso. Mangha pa rin kami sa nakikita namin. Parang, totoo ba to? Baha ang Montalban National Road?! Pero totoo nga. Then umabot na kami sa destinasyon, MONTANA (enye yung 2nd N), aba, BAHA DIN!!! Mangha pa rin kami. Eh since sarado yung pagbibilan namin ng internet card eh napagdesisyunan na naming umuwi at napagdesisyunan kong maligo na lang sa ulan since basa naman na ako.
Mangha pa din kami kasi ala pang 30 mins ang nakakalipas eh luobg na yung kalye. Hanggang tuhod na agad yung baha at yung bawat kanto na madaanan namin eh baha at may umaagos na malakas na tubig papuntang kalsada. GRABE! Then pag-uwi namin sa Felicidad eh yung baha sa entrance, halos bewang na ang taas! PERSTAYM DIN YUN! Then yung street namin, as usual na baha pero mas mataas (pero hindi pa rin pinasok bahay namin). Nag-bike bike kami sa loob ng village namin. Lahat ng kalye baha at kulay tsokolate ang tubig baha. Sarap tikman. Pero dahil nasa katinuan pa ako eh napigil ko pa yung urge ko na tumikim. Eh di yun na. Lalabas dapat ulit kami ng village namin kaso di pwede, lubog daw ang tulay. Lubog ang tulay...LUBOG ANG TULAY?! Tae ang taas ng tulay na yun para lumubog sa baha! Well, ilog kasi yun pero ang taas nun para lumubog! Sayang nga at hindi ko nakita. Na-picturan ko sana. Then nagsawa na kami mag-bike. Umuwi na kami.
Pag-uwi ko, yung likod ng bahay na garden ni mami eh baha na. Papasok na sa likod ng bahay! Buti na lang at yung tubig eh tuloy-tuloy na umagos dun sa gilid ng bahay namin papalabas ng gate. SAVE KAMI! WOOHOO! Pero pagpasok ko ng kwarto ko, waterworld! May tubig sa sahig pero hindi malalim. Hindi naman lumagpas ng ankle eh. So hinantay ko na lang na matuyo..kinabukasan.
Then nag-brownout pa. Then nabalitaan ko na ang bespren kong si Tina na taga Marikina eh lumubog sa baha at kasalukuyang noon ay nasa second floor ng chapel nila. Ayoko na i-imagine ang eksena. Basta alam ko hanggang chin daw ang taas ng baha. Then yung isa kong kaibigan eh na-stranded sa bus. Buti na lang at nakauwi din siya ng 12:30 am. At yung estudyante ko na si Jaizel eh lumikas din pala kasi lagpas tao ang baha. Grabe. Trauma talaga ang inabot ng mga nabiktima. Nakakalungkot.
::Katangahan sa Gitna ng Bagyo::
Na-disappoint ako sa PRC nung sabado ng gabi. HINDI NILA MA-DECLARE NA POSTPONED ANG LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS! How stupid if you ask me. Maghahantay daw sila ng 12 am kasi ganun na daw ang nangyari dati. Ang tanga ba nila? Iba nag sitwasyon sa dati nilang tinutukoy sa sitwasyon nung sabado ng gabi. Nakaka-awa yung mga LET takers. Hanggang gabi eh nagwo-worry sila sa tatlong bagay, kung paano bumaba sa bubong ng bahay nila para mag-take ng LET kinabukasan, at kung makakapasa ba sila sa LET kung sakali ngang matuloy yun! Gabi na nang mai-announce na postponed ang exam. Grabe, kawawa talaga ang mga examiner. Mabuti pa ang bar exam, tanghali pa lang eh nai-announce na nila na postponed ang bar exam. Grabe. Disappointed talaga ako sa PRC nung time na yun...
::Ang Iniwang Bakas (Linggo)::
Linggo ng umaga, maliwanag ang kalangitan. Lumitaw ang kapangitan na iniwan ni Ondoy. Lubog ang dalawang subdivision sa baranggay namin. Lahat nasa bubong na ng 2nd floor nila. Hindi ko na nakita yun kasi ayokong masyadong UZI. Nag-bike ako, una kong tinignan yung tulay na malapit sa amin. Medyo humupa na yung tubig sa ilog at maraming tao na nsa paligid, naghahanap ng mga gamit na hindi inanod. Baka sakaling may masalba pa. Pagtingin ko sa kaliwang bahagi ng tulay, wala na yung tulay na bakal na dinadaanan namin. Inanod. Tulay na bakal. Inanod. Ng. Malakas. Na. Daloy. Ng. Tubig. Grabe.
Nag-ikot ako papunta sa San Jose Bridge kung saan na-TV pa yun (yung ilog na malakas na agos na may pamilya na inaanod na nakasaky sa kung ano mang bagay na yun). Humupa na din ang ilog. Ampangit ng iniwan na bakas. Yung resort sa tabi, kulay tsokolate na ang tubig sa pool. Sira lahat ng puno sa gilid. At ang mga katabing bahay ay inabot din. Tapos ay pumunta ako ng San Jose Elementary School, daming mga ebak...ebakyuwis (evacuees). Galing sa Dela Costa (yung lumubog). Grabe, puro putik ang katawan nila. Halos wala silang naisalba. Naawa ako sa kanila. Pupunta pa dapat ako ng Montalban Plaza kaso nabalitaan ko na madami daw bangkay na nakahandusay doon. Hindi na ako pumunta. Sapat na yung nakita ko nung araw na 'yon.
May pictures ako pero di ko pa mailalagay. Update ko na lang tong blog na to at lalagyan ko ng pictures pag may dial-tone na kami.
MAGPASALAMAT TAYONG MGA NAKALIGTAS AT MGA WALANG NANGYARI. MAHAL PA RIN TAYO NG DIYOS.
Monday, September 28, 2009
Adventure, Kalamidad, at Common Sense
Posted by Athrun at 9:08 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment