KAPE UNLIMITED (continuation)
by Narciso "Jay-r" Dalida
ACT III
Linggo. Sa isang sikat na kapihan sa Araneta Center. 6:00 ng gabi.
(Open curtain)
Magkasamang papasok sa loob sina Franz at Anj. Sabay na uupo sa upuan na tabi ng bintana.
Franz: Hay. Kapagod maglakad.
Anj: Reklamador.
Franz: Eh totoo naman eh. Tara order na tayo.
Anj: Ikaw muna.
Franz: Ok.
(pupunta sa coutner si Franz para umorder tapos babalik sa kinauupuan pagtapos umorder)
Franz: Ikaw na.
Anj: Pabantay ha?
Franz: Sure thing.
(pupunta sa counter si Anj para umorder tapos babalik sa kunauupuan pagtapos umorder)
Anj: Yung barakada? Natawagan mo ba?
Franz: Oo. Lahat sila hindi puwede.
Anj; Kung kelan pa naman linggo.
Franz: Yung iba may pasok. Si Jhay naman eh pagod galing magic show kahapon. Tulog ngayon yun for sure. Si Kiko may pasok.
Anj: Eh si Maine?
Franz: Kasama ata family niya. Family day eh. Lam mo na, Sunday.
Anj: Eh si Ashley?
Franz: May show ata bukas yun sa Pampanga. Di pwede ngayon yun. Nagpapahinga din yun.
Anj; Toinks! Wrong timing mag-aya kasi sila Maine at Jhay eh.
Franz: Amp na project yan. Di tuloy ako nakapunta.
Anj: Sa amin din eh. Project din kaya di ako nakapunta nung Friday.
(tatawagin ang name ni Franz para sa order niya)
Anj: Pakihintay na rin yung akin.
Franz: Ok.
(pagbalik, dala na rin ni Franz ang order ni Anj)
Anj: Thanks.
Franz: No prob.
(tahimik)
Franz: May event daw sa Mega next satuday ah.
Anj: Oo nga eh. Punta ka?
Franz: Oo naman. May bago akong costume! Hehe!
Anj: Talaga? Sino? Si Goku? Hehehe!
Franz: Hindi noh! Secret! hehehe!
Anj: Daya nito. Ako din eh. Haha!
Franz: Sino?
Anj: Secret din! Hahaha! Magkaka-alaman sa sabado.
Franz: Pfftt.. Hehehe!
Anj: Kainis kasi. Dalawa lang tayong cosplayer.
Franz: Oo nga eh. Pero nakaktuwa kasi nagkakila-kilala tayo noong isang taon sa isang event. Haha!
Anj: Parang imposible nga mangyari eh. Iba-iba kasi pinagkaka-abalahan natin.
Franz: Pero nangyari naman eh!
Anj: Oo nga eh. Solid pa ang samahan. Apir!
Franz: Apir!
(sabay hihigop ng inorder na kape)
Franz: Magkano nga pala yung ticket?
Anj: As usual, P100 pa rin.
Franz: Eh yung prize daw sa mananalo?
Anj: Kaya mo bang manalo? Talo ka sa mga robot-robot dun!
Franz: Nagtatanong lang. Hehehe! Malay mo naman di ba?
Anj: Ako naman kaya naman ako sumasali sa competition kasi para hindi sayang yung pagpunta ko.
Franz: Ako din eh. Ang saya pa.
Anj: Imagine noh, kapag manalo ka, ililibre mo kaming lahat! Haha!
Franz: Lahat? Dami niyo naman!
Anj: Siyempre! Malaki prize dun. Hindi naman basta-basta yung event na yun eh.
Franz: Kahit na. Sige, Yellow Cab na lang. Yun pinakamalaki na para walang reklamo! Haha!
Anj: Sure thing! It's my favorite!
(Tahimik. Sabay na hihigop ng kape)
Anj: Sa tingin mo, makakapunta kaya ang barkada?
Franz: Sana makapunta. Bale isang taon na tayong magkakakilala nun eh. Ay, sa Thursday pala yun.
Anj: Oo nga eh. Sana kumpleto din tayo.
Franz: Ite-text ko nga sila.
Anj: Unli ka ba?
Franz: Oo, bakit?
Anj: Pa-text din mamaya ha?
Franz: Sure! Teka, GM lang ako sa barkada.
(tahimik ng matagal)
Anj: Sana kahit sa anniv. man lang ng barkada eh mag-cosplay din sila.
Franz: ...
Anj: Hui, nakikinig ka ba?
Franz: Oo naman. Sana nga free tayong lahat sa day na un.
Anj: Mas maganda kung may group tayo tapos may skit! Then join tayo sa group competition.
Franz: Walang time.
Anj: Alam ko.
Franz: Pero sana nga sa susunod.
Anj: Let's hope nga.
(sabay iinom ng kape)
Anj: Ano? May nag-reply na?
Franz: Si Jhay, free daw lahat ng barkada sa Thursday. Kita-kita na lang daw.
Anj: Ayos yun ha! Anniv natin! Sige sige! Excited na ako!
Franz: Hehe! Ako din eh.
Anj: Teka, anong oras na ba?
Franz: Hmmm, mga 6:35 pa lang. Bakit?
Anj: Mamayang 7:00 laro tayo.
Franz: Laro ng ano?
Anj: Dance Revo!
Franz: Ui cool! Matagal na akong hindi nakakapag-laro nun ah! Mga 3 days na rin yun! Hahaha!
Anj: Adik! Ako matagal na. Isang buwan na siguro. Busy lagi eh.
Franz: Hoho! Oo nga eh. Iba talaga pag international school ka nag-aaral.
Anj: Sinabi mo pa.
Franz: Tara, ubusin na natin to nang makapag-laro ng matagal!
Anj: Sige! Libre mo?
Franz: Yung isang game lang! Hahaha!
(Close curtain)
ACT IV
Huwebes. Sa isang sikat na kapihan sa Araneta Center. 6:00 ng gabi.
(Open curtain)
Magkakasama na ang barkada pero wala pa si Jhay at si Ashley.
Anj: Ang tagal naman nung dalawang yun.
Kiko: Lagi namang late yung dalawang yun eh. Ano pa bang bago dun?
Franz: Oo nga.
Maine: Oi, order na tayo! Sino pupunta dun?
Franz: Ako na lang. Ano order niyo.
Maine: Tulad ng dati.
Kiko: Ako din.
Anj: Same here.
(sabay na papasok sina Ashley at Jhay)
Ash & Jhay: Sensya na guys. Late.
Kiko: Nag-date kayo noh? Haha!
Ash: Adik. Hindi noh! Nagkasabay lang kami diyan sa LRT.
Maine: Palusot. Hahaha!
Jhay: Behele ke!
Franz: Hahaha! Oi teka, order niyo?
Jhay: Plain coffee lang. Dark.
Ash: Ako same. Alam mo na yun.
Franz: Okay.
(pupunta si Franz sa counter para umorder)
Ash: Grabe pawis ko kalalakad.
Maine: Exercise yun! Hehe!
Kiko: Buti na lang at kumpleto tayo! Sakto off ko eh. Anniv natin. Saya-saya!
Anj: Pero madaya sila Maine at Jhay eh. Bigla-bigla na lang nag-iinvite.
Ash: Oo nga.
Kiko. Di ko kasi nasabi agad sched ko nun eh.
Maine: Ayos lang yun. At least kumpleto tayo di ba?
Ash: Nag-date kayo noh? Aminin! Kayo ha!
Jhay: Toink! Ang dudumi ng mga isip niyo! Hahaha!
(darating si Franz)
Franz: Buti kumpleto tayo! May event sa Sabado sa Megamall ah Pupunta kami ni Anj of course. Kayo?
Kiko: Hmmm...
Ash: Kasi...ano...
Franz: Sige. Naiintindihan namin.
Anj. Kami lang naman cosplayer dito eh. Tsaka baka may work kayo.
Jhay: Di naman sa ganun...
Franz: Ayos lang noh. Hehehe!
Jhay: Di pa kasi tapos si Kiko magsalita. Hahaha!
Franz: ...
Kiko: Since anniv natin eh napag-desisyunan namin na sasali na kami!
Franz: Di nga? Seryoso?
Ash: Oo nga. After mo mag-GM nung linggo...
Maine: Napag-desisyunan naming sumali. Para sa inyo ni Anj!
Anj: Wow! Saya naman nun!
Franz: (nagiiyak-iyakan) Huhuhu! Mga tunay kayong kaibigan. Huhuhu!
Kiko: Babatukan ko to eh. Emote-emote pa! Haha!
Jhay: Gusto mo pawalain ko yan eh! Hahaha!
Franz: Sorry naman! May costume na ba kayo?
Maine: Oo naman!
Jhay: Pina-rush ko yung pagtatahi eh. 3 days lang nakuha ko na agad.
Ash: Sama-sama tayo ha!
Maine: Exciting to!
Anj: Mamats guys! Di namin naisip na gagawin niyo yun!
Jhay: Siyempre! Para saan pa ang pagiging magkakaibigan natin? Di ba?
Maine: Group apir!
(aapir lahat)
Kiko: Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkasama-sama noh?
Ash: Mga 2 months na din.
Jhay: Oo nga eh. I've been busy sa mga shows ko.
Kiko: Oo nga daw. Balita ko mga sikat pa clients mo ah!
Jhay: Hehehe! Swerte lang.
Maine: Dapat nagpa-autograph ka.
Jhay: Oo nga eh. Pero ok lang. May mga pics naman ako with them! hoho!
Franz: Daya! Patingin kami!
Anj: Oo nga. Isama mo naman kami sa mga pangarap mo. Hahaha!
Jhay: Di ko dala digicam ko eh. Haha!
Kiko: Damut. Hehe!
Jhay: Toinks!
Maine & Jhay: Teka guys, naiisip niyo ba naiisip namin?
Barkada: Hindi! hahahaha!
Maine: Naisip lang namin na since anniv natin eh laro tayo mamaya!!
Franz: Oo nga noh!
Ash: Oo nga! Dahil kumpleto tayo...
Kiko: Oras na mamaya para..
LAHAT: MAG-DANCE REVO!!! Woohoo!
Jhay: Hui, hinaan nyo lang oh! Pinagtinginan tayo!
Lahat: (sa mahinang boses) Mag-dance revo!!! Hahahahaha!
Maine: Ash and Kiko, dala niyo ba mga camera niyo?
Ash & Kiko: Oo naman! Laging handa to! Lalo na't anniv ng barkada!
Ash: Memories!
Maine: Ayos!
Franz: Kayo ang official photog ng grupo!
Kiko: May bayad na to akala nyo!
Jhay: Negosyante ang putek! Barkada naman eh
Barkada: Oo nga. Negosyante ka talaga! hahaha!
Kiko: Hehe! Joke lang!
(tatawagin isa-isa ang pangalan ng grupo para sa order)
Anj: Bilisan niyo ubusin yan nang makapag-laro tayo ng madami
Barkada: Aye aye ma'am!! Haahaha!
(DILIM)
(Close curtain)
-------------------------------------
Tungkol sa may Akda
Si Narciso G. Dalida Jr. (or Jay-r) ay isang magician na hindi propesyunal. Isa rin siyang manunulat na nagpi-feeling lang. Wala siyang trabaho. Naging inspirasyon niya dito ang pagbasa niya ng isang dula na may title na "Sabado, Sa Sams". Nakalimutan niya ang name ng author.
jhay-r
09/25/2009
Friday, September 25, 2009
ISANG DULA: Kape Unlimited by Narciso "Jay-r" Dalida (ACTS III - IV)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment