KAPE UNLIMITED
by: Narciso "Jay-r" Dalida
DISCLAIMER
Ang lahat ng mga tauhan dito ay hango sa imahinasyon lamang ni Jay-r, (except sina Jhay, Kiko, Franz, at Maine pero hindi nangangahulugan na ganun talaga ang pagkatao nila). Ang ano mang pagkakahalintulad ng mga pangyayari sa totoong buhay ay pagkakataon lamang at hindi sinasadya.
.
MGA TAUHAN:
Jhay - Magician / walang regular na trabaho
Kiko - call center agent / photographer / magkaklase sila ni Ashley noong high school sila.
Franz - 4th yr college student sa isang sikat na unibersidad / cosplayer / matangkad
Ash (Ashley) - Maganda / Model / photographer / magkaklase sila ni Kiko noong high school sila.
Anj (Angelica) - 4th year college student sa isang international school / cosplayer
Maine - 4th yr college student sa isang all women's university / mahilig mag-kape
Nagkakila-kilala silang lahat sa isang amusement center sa Megamall mag-iisang taon na ang nakalilipas.
Lugar: Sa isang sikat na kapihan sa Araneta Center. Gabi.
ACT I
Biyernes. Sa isang sikat na kapihan sa Araneta Center. 6:40 ng gabi
(Open curtain)
Makikitang nakaupo si Jhay sa loob ng isang sikat na kapihan. Hinahantay ang kanyang kaibigan.
Jhay: Maaga pa pala. Magma-magic muna ako sa mga tao dito.
(makalipas ang 20 minuto dumating na ang kaibigan niya)
Maine: Ui pasensya na ha, late na kasi kami pinalabas eh.
Jhay: Ayos lang yun. Medyo nakapaglibang din naman ako. Ano? Order na tayo? Ikaw na mauna.
Maine: Sige.
(pupunta sa counter para umorder, pagtapos umorder ay bumalik na sa upuan niya.)
Maine: Oh, ikaw na. Bantayan ko din gamit mo.
Jhay: Salamat.
(pupunta din sa counter para umorder, pagtapos umorder ay bumalik na sa upuan niya.)
Maine: Oh? Ano bang meron? I mean anong bago?
Jhay: (Nagpo-flourish sa baraha) Ito, ganun pa rin. Kakatapos lang ng booking ko kahapon. Grabe, ang daming sikat na tao dun sa event na yun. Meron ulit bukas! Saya!
Maine: Good for you. Kaya pala may pera ka. Haha!
Jhay: Sige mang-asar pa. Ayun, wala lang. Gusto ko lang mag-kuwento.
Maine: Let me guess, babae yan noh?
Jhay: Apir! Kilalang-kilala mo na ako ah!
Maine (A-apir kay Jhay) Oo naman! Hindi na nga bago yan eh!
Jhay: (Biglang pinawala ang hawak na deck ng baraha) Haha! Hindi kasi maalis sa isipan ko yung girl na yun eh
Maine: (mangha) Putek, ulitin mo nga yun!
Jhay: Ang alin?
Maine: Yung pinawala mo yung baraha.
Jhay: HIndi na puwede. Nawala na nga di ba? Hahaha!
Maine: Adik mo.
Jhay: Anyway, ayun, yung sa girl nga. Ewan ko ba. Takot akong sabihin yung feelings ko sa kanya eh.
(tatawagin yung pangalan ni Maine nung nasa counter)
Maine: Teka, nandiyan na yung order ko. (tatayo si Maine para kunin yung order niya tapos babalik sa kinauupuan) Oh sige, tuloy mo.
Jhay: Teka lang. Sunod na yung akin diyan eh.
(tatawagin yung pangalan ni Jhay nung nasa counter)
Jhay: See? Wait. (tatayo si Jhay para kunin yung order niya tapos babalik sa kinauupuan).
Maine: Ano na?
Jhay: Huh? Ang alin?
Maine: Yung kinukuwento mo. Baliw ka talaga.
Jhay: Ay oo nga pala .Hehe! Ayun, Takot akong sabihin yung feelings ko sa kanya eh. Baka lumayo eh.
Maine: Hahaha! Torpe ka pala eh. Torpe! Torpe! Torpe!
Jhay: Will you stop it?! Torpe na nga eh. Pawalain kita diyan eh.
Maine: Okay, zip na ang lips ko. (gagawa ng sound ng parang sa zipper)
Jhay: O.A. mo ha. Itutuloy ko na. Gusto ko talaga siya eh. Buwan ko pa lang siya nakikilala pero nagkagusto agad ako sa kanya.
Maine; Gaano na ba katagal yang buwan na yan? Baka isang buwan pa lang?
Jhay: Err, about two months pa lang siguro.
Maine: Sus! Maaga pa yan.
Jhay: Paano mo naman nasabi?
Maine: Hello! Babae kaya ako! Duh!
Jhay: Duh! Bakit? Pare-parehas ba kayo ng nararamdaman?
Maine: Oo naman. It's a girl thing.
Jhay: ...
Maine: Hay nako, wag mong palakihin yang problema mo noh.
Jhay: Eh anong gagawin ko?
Maine: Kilalanin mo muna siyempre!
Jhay: Pano? Aalamin ko birthday niya? Ang zodiac sign niya? Kung anong paborito niyang pagkain? Kung ano ang ayaw niyang pagkain? Kung anong time siya natutulog?
Maine: (papaluin ng mahina sa noo si Jhay) Engot! Ano ka? Stalker? I mean the usual lang. Basta mag-usap lang kayo lagi hanggang sa magkagustuhan kayo. Magka-palagayan ng loob. Ganun. (hihigop ng caramel frap)
Jhay: Tapos?
Maine: Eh di tapos nun sabihin mo nararamdaman mo sa kanya!
Jhay: Hello! Torpe here! (kaway-kaway kay Maine)
Maine: Ah problema mo yan!
Jhay: ,,, Eeeh...
(Tatahimik ng 10 segundo. Iinom ng caramel frap si Maine. Nakatingin sa malayo si Jhay)
Jhay: Hayyy... Problema ko eh baka may maunang iba sa akin.
Maine: Natural yun. Kaya kung ako sa'yo, unahan mo yung mga nakapaligid sa kanya.
Jhay: Mag ganon?!
Maine: Oo may ganun talaga. Tawagan mo gabi-gabi. Mag-unli call ka kung kaya mo.
Jhay: Mahal eh.
Maine: Choosy ka pa. Bahala ka. Basta ito ang secret, patawanin mo.
Jhay: Pano? Kikilitiin ko?
Maine: Abnoy! Pilosopo mo noh?
Jhay: Haha! ito naman oh. Joke lang. Eh korni ako eh.
Maine: Sino nagsabi? Mukha mo pa lang nakakatawa na eh. Hahaha! (sabay higop sa frap).
Jhay: Huh! Tawa tawa ka diyan. Alam ko may gusto ko sakin eh. Pero sorry ka na lang.
Maine: Hoy ang kapal naman ng fez mo! Asa ka naman noh! hahaha!
Jhay: Hahaha! Apir!
Maine: Apir!
(Tatahimik ulit ng 10 segundo.)
Jhay: Eh sayo naman, anong bago?
Maine: Wala. Ganun pa rin. School, the usual stuff. Ano ba ang gusto mong malaman?
Jhay: Love life mo?
Maine: Ayon, kami pa rin ni Andrew.
Jhay: Tatag ah! Ilang months na ba kayo?
Maine: Three months pa lang.
Jhay: Pa lang? Matagal na rin yun noh! HIndi lahat nakakatagal ng ganyan.
Maine: Oo nga eh.
Jhay: Bakit parang malungkot tono mo?
Maine: Eh pano, madalang lang kami magkita.
Jhay: School eh. Siyempre bisi-bisihan kayo.
Maine: Yun nga eh. Parang wala kaming time for each other.
Jhay: So? Basta nagkikita kayo. Okay na yun. Tsaka tuwing nagkikita kayo eh dapat chine-cherish niyo yung araw na yun. (inon mg frap)
Maine: Oo nga. Nakakalungkot lang.
Jhay: Pero steady naman kayo eh. Walang away?
Maine: So far wala pa naman.
Jhay: Pasalamat ka na lang at ganun. Pero sinusundo ka naman niya sa school niyo di ba?
Maine: Oo naman. Three times a week.
Jhay: Emoterang bakla ka rin eh. Three times a week naman pala kayo nagkikita eh.
Maine: Eeeeeh... Basta.
Jhay: Okay yan noh! Para naman hindi kayo nagkakasawaan.
(sabay hihigop ng frap)
Maine: Ay, wala na.
Jhay: Takaw mo kasi eh.
Maine: Oi ngayon lang to noh! Tsaka kahapon. Tsaka nung isang araw. Hahaha!
Jhay: Kita mo! Adik mo rin sa kape eh noh? Kaya ka emo eh.
Maine: Hoy hindi ako emo noh!
Jhay: Ewan ko sa'yo. Emo! Hahaha! So saan tayo ngayon?
Maine: Tara, Dance Revo!
Jhay: Anong oras na ba? 8:00? Sige, ubusin ko lang to.
(uubusin ni Jhay ang frap sabay lalabas na sa eksena sina Jhay at Maine)
(Close curtain.)
ACT II
Sabado. Sa isang sikat na kapihan sa Araneta Center. 7:00 ng gabi.
(Open Curtain)
Papasok sa sikat na kapihan si Kiko sabay uupo sa may katabi ng bintana.
Kiko: Ako pa ang nauna. Matawagan nga si Ash.
(kukunin ang cellphone para tawagan si Ash.)
Kiko: Hello! Asan na kayo? Ah, sige. 10 mins. ha!
(after 15 mins.)
Ashley: Hi!
Kiko: 10 mins. pala ha!
Ashley: Ang hirap kaya mag-lakad ng naka-heels! Palit tayo, gusto mo?
Kiko: No thanks! Ikaw lang? Asan na ang berks?
Ash: Wala eh. Hindi pwede si Maine. Ito ang araw nila ng bf niya eh. Minsan lang naman magkita yun, alam mo naman.
Kiko: Ahh. Eh si Jhay?
Ash: Di rin pwede. May show siya ngayon. Birthday ata ng isang sikat na artiista.
Kiko: Ang swerte ng mukha nun ah! Teka, ehh kahapon magkasama yung dalawang yun eh. Hindi lang ako makapunta kasi may pasok ako.
Ash: Oo nga eh. Ako naman may show sa Mega. Gabi na rin kami natapos.
Kiko: Wrong timing lagi yung dalawang yun eh. Eh yung iba pa?
Ash: Di pwede. May hinahapit daw na project yung dalawa eh.
Kiko: Ayos ah! Parang magkaklase lang ah! haha!
Ash: Haha! Oo nga eh. Teka, di ka pa o-order?
Kiko: Mauna ka na. Bantayan ko gamit mo.
Ash: Sige. Thanks.
(pupunta sa counter si Ash para umorder pagtapos ay babalik na sa kinauupuan)
Ash. Oh, ikaw naman.
Kiko: Ok. Bantayan mo gamit ko ha. Nandiyan yung kayaman ni Yamashita.
Ash: Hahaha! Pagbalik mo wala na ako dito. Haha!
Kiko: Subukan mo. Hehe!
(pupunta sa counter si Kiko para umorer pagtapos ay babalik na sa kinauupuan)
Kiko: Ang boring. Dalawa lang tayo. Tsk.
Ash: So bored kang kasama ako? Hmp!
Kiko: Oi wala akong sinasabing ganyan ha! Lungkot lang.
Ash: Oo nga eh. It's been a while din since last na nagkasama-sama tayon na kumpleto talaga.
Kiko: Lintek na sched ko kasi eh, sabog lagi. Split off. Sucks!!!
Ash: Pano yun?
Kiko: Yung hiwalay yung day-off. Tulad ko, Saturday ang Thursday ang off ko for this month. Kasura di ba?
Ash: Yah. That's a worst schedule I have ever heard! Amazing!
Kiko: Amazing ka diyan! Hirap nga eh.
Ash: Buti nakakatagal ka?
Kiko: Pera eh. Eh ikaw? Buti wala kang show ngayon?
Ash: May pahinga din naman kami noh? Medyo nagiging in-demand na rin ang byuti ng lola mo noh?! Dumadami na kumukuha sa akin.
Kiko: Maganda ka eh. Ano pa nga ba.
Ash: Haha! Bolero!
Kiko: Talaga naman eh. Magiging model ka ba naman kung hindi?
Ash: Thanks.
(tatawagin ang pangalan ni Ash para sa order niya)
Ash: Wait lang. Kunin ko din yung akin.
Kiko: Isabay mo na rin yung akin!
Ash: Ano ka? Mamaya pa order mo noh!
(tatayo si Ash para kunin yung order niya pagtapos ay babalik sa kinauupuan)
Ash: Kitams. Mamaya pa yung sa'yo.
(tatawagin ang pangalan ni Kiko para sa order niya)
Kiko: Hmm, kita mo na. Kulit mo eh. Wait kunin ko lang.
Ash: (hihigop ng cappuccino)
Kiko: So ano na?
Ash: Anong ano na?
Kiko: Anong gagawin natin dito?
Ash: Err, tambay?
Kiko: As usual.
(tahimik)
Ash: Kilala mo ba si Aldrin?
Kiko: Sino? Yung crush ng bayan na kaklase natin nung High School? Yung mayabang na yun?
Ash: Oo.
Kiko: Bakit? Artista na ba? Hehe!
Ash: ...kami na.
Kiko: WHAT? Weh? Di nga? Kelan pa? Ayos ah!
Ash: O.A. ng reaction mo ha. Last week lang.
Kiko: Haha! Talaga lang ha. May contact pa pala kayo nun
Ash: Oo naman. Inadd niya ako sa facebook 2 months ago eh.
Kiko: Pano ka daw niya nakita?
Ash: Eh sa friend niya na friend ko din.
Kiko: Wow. Talk about social networking. Hehe!
Kiko: So what made you like him.
Ash: Actually, matagal na akong may gusto sa kanya. Kaso hindi pa naman ako kagandahan nung high school tayo eh kaya nahihiya akong lapitan siya.
Kiko: Bakit ikaw ang lalapit eh babae ka?
Ash: Wala lang. Eh crush ko siya eh.
Kiko: Eh di nagmukha ka naman desperada nun!
Ash: Eh ayun, basta. Mula nung in-add niya ako eh gabi-gabi na kami magkausap. Nagkikita din kami minsan.
Kiko: Then na-fall ka na agad?
Ash: It's not hard to fall for him.
Kiko: Pano mo nasabi yun?
Ash: Effort. Kahit na guwapo siya eh mabait siya. Hindi siya yung tipo ng guy na porke't guwapo eh feelingero na. Tsaka lagi yung naka-support pag may shows ako. HInahatid pa niya ako pauwi.
Kiko: Di ba mayabang yun?
Ash: Nung high school yun. Siyempre nagbabago ang tao.
Kiko: Sabagay. So are you happy?
Ash: Of course I am! Bakit naman hindi?
Kiko: Wala lang. (inom ng kape)
(tahimik)
Ash: Eh sa'yo? Anong bago? May night life ka pa pala. Haha!
Kiko: Night nga ang life ko eh. Gising na gising ako sa gabi para magtrabaho.
Ash: Call boy. Hahaha!
Kiko: Haha ka diyan. Call center boy! Buoin mo. Ang sagwa pakinggan eh. Hahaha!
Ash: Siguro ang dami mong chiks dun noh?
Kiko: Yun nga ang problema eh. Wala akong chiks. I'm too busy with my work. Wala na akong time dun.
Ash: Wooh. Ikaw pa. I don't believe you. Ang playboy mo dati eh!
Kiko: Dati yun. Siyempre nagbabago ang tao.
Ash: Manggagaya ng line! haha! Seryoso ka nga? Wala?
Kiko: Behele ke.
Ash. Sungit. Hindi lang ako makapaniwala. Hehe! (inom ng cappuccino)
(tahimik)
Kiko: Ipon muna ako eh. Tsaka na yang chiks na yan. Maraming pang time at maraming pang chiks. (inom ng kape)
Ash: Teka, himala ah! Plain coffee lang ang iniinom mo.
Kiko: Mas maraming anti-oxidant to eh.
Ash: At kelan ka pa natuto ng ganyan-ganyan?
Kiko: Nabasa ko lang. Hehe! Nakakataba kasi yung ganyang iniinom mo eh. Ingat ka, model ka pa naman. Baka lumobo ka.
Ash: No way noh. Hehe!
Kiko: What time na?
Ash: 8:00 na. Bakit?
Kiko: Tara, laro tayo. Dance Revo!
Ash: Sige. Matagal-tagal na rin ako hindi nakakapag-laro nun eh.
Kiko: Pustahan? Hehe
Ash: Mag-isa ka! Hahaha!
Kiko: Matagal na rin ako di nakakapglaro nun eh. Tara! Tara!
Ash: Ubusin muna natin tong iniinom natin noh!
Kiko: Sabi ko nga. Dala mo yung Canon na camera mo?
Ash: Oo naman! Kukunan kita habang sumasayaw ka. Hahaha!
Kiko: Behele ke! Hahaha!
(Close curtain)
Acts III and IV sa kasunod na post...
Friday, September 25, 2009
ISANG DULA: Kape Unlimited by Narciso "Jay-r" Dalida (ACTS I&II)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment