BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, September 15, 2009

Paano Mo Malalaman Kung Final Fantasy Addict Ka?

Wala lang. Naisip ko lang to habang nasa FX papuntang CosMania nung Sunday. Hahaha! Pano nga ba malalaman kung Final Fantasy game addict ka? Ito ang mga senyales.

----------------------------------------------------

1. Ang tawag mo sa buhay mo ay HP.

2. Ang tawag mo sa stamina mo ay MP.

3. Ang tawag mo sa isang basong tubig ay Potion at naniniwala kang nagre-regain ka ng 150 HP kada inom mo ng tubig. Kapay yung 500ml -1L eh Hi-Potion na. Pag yung 5 Gallons na eh Elixir na ang tawag mo.

- Ether naman ang tawag mo sa C2, Real Leaf, at iba pang beverages except yung mga alcoholic.

4. Pag nakakakita ka ng tubig na tumatagas sa kahoy or nakakita ka ng tubig na bukal ay iinom ka dito kasi naniniwala kang mare-recover na full ang iyong HP at MP.

5. Pag nakakakita ka ng kama ay natutulog ka na lang basta basta kasi kelangan yun para ma-recover ang HP and MP mo.

7. Ang tawag mo sa balahibo ng manok eh Phoenix Down.

8. Ang tawag mo sa friends mo ay Party Members. Pag namatayan ka ng Party Member eh hindi ka malulungkot kasi papalitan mo din namang ng panibagong party member yung puwesto niya.

9. Ang tawag mo sa pera sa kahit saang bansa ay Gil.

10. Naglalakad/tumatakbo ka ng may dalawa mo pang kaibigan sa likod na nakabuntot sa'yo.

11. Pag namatayan ka ng aso ay pipilitin mong gamitan ng Phoenix Down.

12. Pag nakakita ka ng maliit na apoy, tawag mo ay Fire. Pag medyo mas malaking apoy, tawag mo ay Fira. Firaga naman ang tawag mo pag may sunog na.

13. Ang tawag mo sa kapre ay Ifrit.

14. Ang tawag mo sa zebra ay Ixion.

15. Pag nakakita ka ng triplets, akala mo Magus ang apelyido nila.

16. Takot ka sa lalakeng mahaba ang buhok na kulay puti kasi malakas yun!

17. Ang tawag mo sa electric fan ay Saving Point kasi laging nasa sulok.

18. Ang tawag mo sa sarili mo pag galit ka ay nagta-Trance/Limit Break/ Overdrive ka tapos mag-iiba itsura mo kasi nga naka-Trance/Limit Break /Overdrive ka.

19. Ang tawag mo sa beer eh Antidote kasi nawawala ang mga lason sa utak mo kapag umiinom ka nito.

20. Pag hindi mo maigalaw ang paa mo akala mo na-Petrify ka kaya maghahanap ka ng Soft.

21. Malakas lagi ang loob mo sa kahit anong bagay at hindi ka takot mamatay kasi iniisip mo na nakapag-save ka naman at ilo-load mo na lang ang sarili mo pag namatay ka or naaksidente ka.

22. Mahilig ka sa card games.

23. Pangalan ng mga pets mo sa bahay ay pangalan ng mga Summon / Aeon / Eidolon / GF sa FF series.

24. Lagi kang nakikipag-away kasi feeling mo eh nage-gain ka ng experience at nagle-level up ka kada tapos ng away.

25. Ang pinakamahalaga, kapag nananalo ka sa away eh lagi kang may signature pose.

0 comments: