BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, December 29, 2009

Noong Bata Pa Ako, Naranasan Kong...

Isang repost galing sa site ni Mia-tot. Sagot ko to dun sa comment box niya. Hahaha! La lang. Nakita ko na naman kasi. Haha! Read on fifol! :D

================
Nung bata pa ako.. naranasan kong..



1.) gumawa ng laruan out of tansan .yung bubutasan sa gitna, lalagyan ng tali tas papaikut-ikutin! haha


2.) kumain ng Bazooka bubble gum at malunok ito pagtapos.



3.) maglagay ng mighty bond sa kanang hinlalaki sabay ididikit sa hintuturo.



4.) mang-asar ng kalaro hanggang sa parehas kaming umiyak




5.) maglaro ng chinese garter, 10-20, luksong baka, jump rope, taguan, patintero, at luksong tinik tuwing gabi.



6.) magpapak ng Milo



7.) ilabay ang Milo sa kanin


8.) sumemplang sa bike malapit sa kanal kaangkas ko kaibigan ko dahil sa pagpapasikat sa crush namin




9.) sermonan ng magulang kasi hindi ako sumabay sa service namin noon (Beloy naaalala mo pa ba to?, "DIAZ SERVICE, DIAZ SERVICE" - Ate Helen) Haha!




10.) maglaro ng straw na nilalagyan ng cigarette butt sa dulo ng butas at ilagay sa goma tas titirahin parang pana. (pwede rin pataas yung direksyon, pataasan!) XD



11.) MAKULONG SA JAIL BOOTH! Grade 3 ako nun sa St. Matthew's Academy! LECHE! Hahahaha!



12.) mahabol ng 5 aso ng sabay sabay, mapisilan ng bawang sa kagat ng aso, ma-injectionan dahil sa kagat ng 2 naka-jackpot na aso. At doon nagsimula ang takot ko sa doggie hanggang ngayon...



13.) Gayahin si MASKED RIDER BLACK at tumalon sa terrace ng kaibigan ko para grand entrance! Minsan may kasama pang usok usok para malupet!




14.) hindi magbayad sa patok na jeep sabay takbo sa madilim na eskenita pagbaba



15.) sumakay sa dyip at imbes na "mama bayad po" ang sabihin sa driver eh "pagbili po" ang nasabi ko hahahahah (PAREHAS TAYO DITO MIA!!) Hahaha!





16.) Umuwi ng 12 am! haha! bata pa lang gala na. Haha!





17.) umakyat ng bubong ng kalaro ko tapos takot na takot ako bumaba kasi takot ako sa matataas. Haha!



...dagdag

18.) Sumemplang sa bike at manakbo sa bahay na humahagulgol sa iyak kasi ang laki laki ng sugat ko sa tuhod.





19.) Mamigay ng magic pencils! Haha!








20.) Mag-remedial class kasi 78 ang grade ko sa math doon sa St. Matthew's Academy. Nyahaha!

0 comments: