BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, August 11, 2009

Crossing Dimensions

Nung unang laro ko ng Chrono Cross, marami akong naitanong sa sarili ko. Base na rin sa istorya ng larong ito, napaisip ako, "Kung meron ngang parallel na mundo, ano kaya ang buhay ko dun?". Mabuti pa si Serge, aksidenteng nakapunta siya sa alternate na dimensyon, isang mundo na katulad ng mundo niya pero hindi naman maganda ang resulta. Sa "Other World" na yun eh dedbols na siya. Sino ba naman ang matutuwa dun di ba?

Ano nga kaya sa tingin niyo? May "wormhole" kaya talaga na puwedeng pasukan ng tao para makarating sa "other world" na kung saan ay makikita mo ang alternate mong sarili? Ano ang gagawin mo pag napunta ka sa parallel na mundong iyon? Ano ang itatanong mo sa "alternate" na ikaw?


0 comments: